PINURI ni Ifugao Rep. Teddy Brawner Baguilat, ang ginawa ng Presidential Anti-Corruption Commission para mahinto ang katiwalian sa pagsubasta ng mga pampublikong mga proyekto sa imprastraktura at nagpahayag ng pag-asa na ang mga responsable ay papatawan ng parusang itinatadhana ng batas.
Ikinuento ni Baguilat, may mga impormasyon na ito ng mga pagtatangka ng ilang government officials upang makakuha ng suhol mula sa mga kontratista sa kanyang probinsiya.
Pinayuhan niya ang mga kontratista na magsumbong sa DPWH sa mga ganitong illegal practices.
Ikinagulat ni Baguilat, ng mabalitaang ginagamit daw ang kanyang pangalan diumano ng dating district engineer ng Ifugao, na si Lorna Ricardo, tungkol sa isang road project sa Ifugao, lalo na ang proyekto ay hindi galing sa kanyang opisina pero naisingit sa government budget sa bicameral meetings .
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Kamakailan, ibinulgar ni PACC ang diumano’ y panghihingi ng komisyon sa kontratista hinggil sa proyektong ginagawa sa Ifugao.
Naku ha! Ano ba ito?
Abangan.