Ang bilyonaryong si Samuel Curtis Johnson III ng SC Johnson ay nakulong lamang ng 4 months sa salang pauli-ulit na panggagahasa ng kanyang 12-year old stepdaughter.
Ang Texas billionaire and former Presidential candidate na si Ross Perot ay nag-isyu ng blank cheque para pondohan ang pagliligtas sa 500-year old Treaty Oak sa Austin, Texas. Ang matandang puno ay nilason at sinira noong 1989.
Lihim na ibinigay sa charity ni dating billionaire Chuck Feeney ang kanyang kayamanan. Nabisto lang ang kanyang katauhan nang magkaroon ng problema ang kanyang kompanya. Noong 2016 ay ibinigay niyang muli sa charity ang last money niya na 7 million.
Si Warren Buffet na worth $78 billion ay nagpamana sa kanyang anak ng $90,000 worth of stock noong 19 years old pa lang ito. Ang pera ay ginamit ng anak sa pagbili ng recording equipment. Kung hindi niya ginamit sa ibang bagay ang ipinamana sa kanya, mayroon na sana siyang mahigit na $70 million worth of stock sa kasalukuyan. Hindi na siya binigyan ng pera ng kanyang ama.
Binili ng bilyonaryong si Howard Hughes ang isang casino para magkaroon siya ng karapatang tanggalin ang neon signage nito. Ang trademark sign ng casino ay may nakakasilaw na neon lights na tumatama sa bedroom ng bilyonaryo na nagiging sanhi ng pagkapuyat nito. (Itutuloy)