^

Punto Mo

10 kakaibang kaugalian at tradisyon sa buong mundo

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Sa Republic of Madagascar, may ritwal na isinasagawa tuwing ika-5 o ika-7 taon na kung tawagin ay Famadihana. Sa ritwal na nabanggit, ang bangkay ng mga mahal sa buhay ay huhukayin nila, lilinisan at bibihisan upang isali sa sayawan, kantahan at inuman.

May German wedding customs na kung tawagin ay Polterabend. Isang gabi bago ang kasalan, ang mga kaibigan ng bride at groom ay magbabasag ng plato sa harapan ng bahay ng bride upang magkaroon ng magandang kapalaran ang mga ikakasal. Magkatulong na lilinisin ng magnobyo ang kalat.

Ang Maasai tribe (ethnic African group sa Kenya and Tanzania) ay nagduduraan sa isa’t isa bilang pagbati.

Walang limit ang termino ng US President sa lumang constitution. Nag-volunteer na mag-resign sa pagiging Presidente si George Washington pakatapos ng dalawang termino. Tumagal ang walang limit na termino ng 150 years. Natapos ang “no term limits” noong 1951. Naging two terms na lang ang pagsisilbi ng Presidente.

Sa High Wycombe, United Kingdom, ang mayor ay tinitimbang taon-taon sa harapan ng mga tao habang nasa stage. Kung ang timbang niya ay tumaas kumpara ng nakaraang taon, siya sisigawan at ibo-boo ng mga miron. Ang ibig sabihin ng pagtaas ng timbang ay nasobrahan si Mayor sa pagpapasarap gamit ang pera ng taxpayers.

Sa Romania, kapag kinidnap ng binata ang dalaga at naitago niya ito ng 5 araw, may legal right na siya na pakasalan ang dalaga. (Itutuloy)

vuukle comment

MUNDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with