^

Punto Mo

Komedya at drama sa pulitika, nagsimula na!

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

KUMALABOG na naman ang mga tambol kasabay ng mga nag-file ng candidacy sa Comelec, kaya umatikabong pagpapakita ng gilas ang supporters ng magkakalabang kandidato.

Marami ang nag-file na mga party-list na umaasang maka-shortcut na maging congressman. Meron din namang mga nag-file na tila nakalog ang utak na nagpapakilalang siya raw si Jesus Christ. Malala na talaga ang epekto ng droga sa bansa, hahaha!

Naghahari pa rin ang mga trapo

Kung surveys ang pagbabasehan, halos karamihan na posibleng manalo sa pagka-senador ay ‘yung mga antigo na sa larangan ng pulitika tulad nina Grace Poe, Cynthia Villar, Pia Cayetano, Nancy Binay, Imee Marcos, Sonny Angara, Jinggoy Estrada, Koko Pimentel, Lito Lapid, Serge Osmeña, Mar Roxas, Bam Aquino at JV Ejercito. Hintayin natin kung sino ang malalaglag pagpasok ni Bong Go at Bato dela Rosa. Abangan!

Lamang ang mataas tumalon?

Marami ang umasa na sa mataas na popularity at trust ratings ni President Digong ay makaaakay ito ng mga bagong mukha sa pulitika, pero lumalabas ngayon na ang mga dating kaalyado rin ng nakaraang administrasyon na lumundag lamang sa bakuran ni Digong ang malamang na iboto ng mga botante. Yun lang, hehe!

Kung tumuloy lang sana si Inday Sara

Marami ang nanlumo ng magdesisyon si Davao City Mayor Sara Duterte na umatras na sa pagtakbo bilang senador, dahil siya ang inaasahan na aakay sa mga sumanib sa Hugpong ng Pagbabago na magbibigay ng plus factor sa mga kandidato sa local election.

Mataas din ang popularity at trust ratings ni Inday Sara, kaya lang, namimiligrong magiba nito ang partido politikal ni Digong na PDP-laban kung bababa ito at tutulong sa mga malalapit dito.

Ang matabil na dila lang naman talaga ni dating House Speaker Bebot Alvarez ang nagpaalsa kay Inday Sara kaya naglibot ito hanggang masibak si Mokong at mapalitan ni Gloria Arroyo. O di ba?

COMELEC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with