^

Punto Mo

Ang tatlong bisita

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NAPANSIN ng misis na may tatlong matandang lalaki na mukha namang mababait sa tapat ng kanilang bahay. Lumabas siya at inusisa ang tatlo. Hinahanap ng tatlong matanda ang mister ng babae.

“Hindi pa siya dumarating ngunit kung gusto ninyo, pumasok kayo sa aming bahay at doon na lang maghintay.”

Umiling ang tatlo at nagsalita ang isa: “Hindi kami maaa-ring pumasok hangga’t wala pa siya.”

Makalipas ang ilang oras at dumating na ang ama ng taha­nan. Ikinuwento ng babae na gusto siyang kausapin ng tatlong matanda. Lumabas ang lalaki at kinausap ang tatlong bisita sa labas ng bahay.

“ Ako po ang ama ng tahanan. Pumasok na po kayong tatlo sa aming bahay.”

“Bago po ang lahat, magpapakilala kami sa inyo. Ako si Kayamanan. Ang nasa kanan ko ay si Tagumpay at nasa kaliwa ko ay si Pag-ibig. Hindi kami maaaring magsabay-sabay sa pagpasok. Dapat ay isa lang ang pipiliin mo.”

Natigilan ang lalaki. Kailangang konsultahin muna niya ang kanyang misis at mga anak kung sino ang papapasukin. Nagpaalam ito sandali sa tatlong bisita.

“Daddy, si Kayamanan ang papasukin mo para matupad ang pangarap nating guminhawa ang buhay!”

Pero ang suhestiyon ng ina: “Gusto ko ay si Tagumpay ang pumasok para magtagumpay kayo sa pag-aaral ninyo at kami naman ng inyong Daddy ay magtagumpay sa aming career.”

Biglang may naisip si Daddy: “A, alam ko na, mas mainam na si Pag-ibig muna ang papasukin natin para maiwasan ang madalas naming pag-aaway ng inyong Mommy. Natutuliro na ang aking isipan kapag nagtatalo na kami.”

Lumabas ang ama ng tahanan at nagsalita: “Napagkasunduan naming mag-anak na si Pag-ibig ang papasukin.”

Tumayo si Pag-ibig at nagsimulang maglakad patungo sa loob ng bahay. Tumayo rin sina Kayamanan at Tagumpay at sumunod kay Pag-ibig patungo sa loob ng bahay. Nagtaka ang ama ng tahanan at nagsalita. “Akala ko ba ay hindi kayo puwedeng magsabay-sabay sa pagpasok sa aming bahay.”

Nagsalita si Kayamanan: “Kung ako o si Tagumpay ang pinili mo, ang dalawa sa amin ay mananatiling nasa labas ng bahay. Si Pag-ibig ang aming boss kaya kung nasaan siya, dapat ay naroon din kami.”         

BISITA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with