^

Punto Mo

‘Patayan’, di sagot sa problema sa droga!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

KAHIT nakakulong na, hindi nangangahulugang ligtas na sa kamatayan itong mga tinatawag nating drug lords at mga alipores nila. Nitong nagdaang linggo lang, dalawang drug lords ang natumba sa Cebu at Batangas at mukhang wala namang nagdadalamhati sa kanila, maliban sa pamilya nila. Si Jerry Perigrino na namatay sa ambush sa Cebu ay may drug links kay wanted drug lord Peter Lim, samantalang si Elvis Areglo, na dating driver ng drug lord na si Peter Co, naman na natigok din sa ambush sa Batangas. Sina Perigrino at Areglo ay kapwa nakaharap sa kasong droga at patungo na sa hearing nang makana ng mga salarin. Malakas ang kutob ni Chief Supt. Debold Sinas, director ng Central Visayas police na si Perigrino ay itinumba ng karibal niya sa negosyo at ‘yan ang sentro sa ngayon ng imbestigasyon nila. Ang kaso naman ni Areglo ay pinaimbestigahan din ni Chief Supt. Edward Carranza, ng Calabarzon police at wala pang linaw ito hanggang kahapon habang nanalasa ang bagyong Ompong sa Southern Luzon. Nagtataka naman ang mga kosa ko dahil halos araw-araw may namamatay sa ambush na drug lords, at sa mga nanlaban sa mga pulis tuwing buy-bust, at daan ang nahuhuli na drug pushers at users at higit sa lahat maraming shabu ang nakumpiska subalit parang ayaw nilang hintuan ang negosyo sa droga. Hak hak hak! Maging si NCRPO chief Dir. Guillermo Eleazar ay walang kasagutan patungkol sa walang katapusang drug supply sa Metro Manila.

Ang masama pa rito sa pag-ambush kay Perigrino, nadamay pa ang dalawang jail guards na sina JO1’s Joel Teves at Bernie Bayotos. Magkasama sa isang van ng Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC) itong tatlo nang tambangan ng mga suspects. Ayon sa report kay Sinas, sina Teves at Bayotos ay kakutsaba ni Perigrino sa kanyang patuloy na drug distribution hindi lang sa loob ng CPDRC kundi maging sa labas o sa kalye ng Cebu. Itong mga jail guards, ayon pa sa report ni Sinas, ang nagpapasok ng cell phone, shabu, marijuana at iba pang epektos sa CPDRC at hindi lang si Perigrino ang nakikinabang kundi maging ang drug lord pa na si Alvaro Barok Alvaro at mga alipores na sina Jun Noel at Reynante Abiero. Hak hak hak! Kelan kaya ang hearing nitong sina Alvaro, Noel at Abiero? Tanong lang po Sir Sinas! Araguuuyyyy! May punto ang report ni Sinas dahil ang drug pusher na si Justine Maravillas, na naaresto sa checkpoint sa Dumanjug ay itinuturo sina Teves at Bayotos na source ng kanyang binibentang shabu. Ano ba ‘yan?

Si Perigrino mga kosa ay naaresto ng RAIDSOTG7 noong Enero sa pag-iingat ng nagkakahalagang P3 milyon na shabu. Subalit dahil me angking magic, aba nakalaya si Perigrino sa pamamagitan ng paglagak ng piyansa. At mukhang hindi nakalimot si Perigrino sa shabu peddling n’ya at naaresto s’yang muli noong Hunyo sa pagbebenta din ng droga. Nang nasa laya s’ya, nagyabang pa itong si Perigrino na nakakabenta s’ya ng 300 grams ng shabu kada linggo sa kalye ng Cebu. Araguuuyyyyyy! Ang daming pitsa nito, di ba mga kosa? At para mahinto na ang kahibangan ni Perigrino, minabuti ng jail authorities na i-transfer s’ya sa CPDRC sa pag-akalang mahinto na ang drug peddling business n’ya. Kaya lang nakilala ni Perigrino sina Teves at Bayotos at imbes na huminto ay lalong yumabong ang drug business n’ya. Sa ngayon, pinag-aralan ni Sr. Supt. Remus Medina, ang intelligence chief ng Central Visayas police, kung ano ang impact sa distribution ng shabu sa Cebu itong pagkamatay nina Perigrino, Teves at Bayotos. Hak hak hak! Hindi nakakasiguro si Medina na mabawasan ang supply ng shabu sa Metro Cebu dahil t’yak mamamayagpag ang mga karibal nina Perigrino, Teves at Bayotos, di ba mga kosa? Tumpak!

Sa totoo lang, libu-libong Pinoy na ang namatay sa kampanya ni Digong laban sa droga subalit wala pang makitang ebidensiya ang mga kosa ko na itong patayan ang kasagutan sa problema kahit mahigit dalawang taon na itong ini-implement ng kapulisan natin. Imbes na patayan, sana subukan din ni Digong na ang supply ng droga ang habulin dahil kapag walang supply sa kalye t’yak hihinto din ang patayan ng mga Pinoy, di ba mga kosa? Abangan!

ELVIS AREGLO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with