Para-normal facts

(Part II)

Senyales na may multo sa kinaroroonan mo kung ang apoy ng kandila ay biglang naging blue o kaya ay namatay nang kusa kahit walang hangin.

Ayon sa mga paranormal experts, kapag nanaginip ka ng isang taong noon mo lang nakita ito, more or less ang multo na nakabantay sa iyo habang natutulog ka.

Kapag kumulog pagkatapos ng libing, ito ay nagpapahayag na ang namayapa ay nakatawid na sa kabilang buhay.

Sa bawat 200 na kataong nakakasalubong mo sa daan araw-araw, malaki ang tsansang ang dalawa rito ay multo.

Hindi lahat ng multo na narito sa lupa ay mga kaluluwang hindi makatawid sa kabilang buhay. Ang iba ay talagang mas pinili nilang manatili sa mundo ng mga buhay.

Sa Greece, tinatakpan nila ang lahat ng mirror sa bahay kapag may namatay dahil baka mapagkamalan nilang iyon ang liwanag patungo sa kabilang daigdig. Kapag nagkamali silang pumasok sa mirror, makukulong sila roon ng mahabang panahon.

Kapag iniisip mo ang isang tao bago matulog, may tsansang makita ka niya sa kanyang panaginip.

Ang pelikulang Nightmare on Elm Street ay base sa tunay na pangyayari. May isang batang lalaki na nagsumbong sa kanyang magulang na may lalaking nanghahabol sa kanya sa panaginip. Kaya ang bata ay natatakot nang matulog. Hindi ito masyadong pinansin ng mga magulang. Hindi nakaya ng bata na manatiling gising kaya siya ay nakatulog. Kinaumagahan, namatay sa bangungot ang bata. May nakitang malalalalim na hiwa sa tiyan ng bata.

Show comments