^

Punto Mo

Ang blowout ng waitress

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

SI Malu ay nagtatrabaho bilang waitress sa isang maliit na restaurant sa kanilang lugar. Ang maliit niyang kinikita ay ibinubuhay niya sa amang kakaputol pa lang ng isang paa dahil sa diabetes. Sila na lang ang magkasamang namumuhay dahil dalawang taon nang namayapa ang ina.

 

Minsan ay nagkasunog sa kanilang lugar. Madaling araw nag-umpisa ang sunog pero 6 am na nang maapula ang sunog. Sa restaurant na pinaglilingkuran ni Malu kumain ang limang bumbero. Halatang pagod at gutom ang mga ito. Plain lugaw lang ang inorder ng mga ito. Sa pagbibiruan ng limang bumbero, lugaw na walang laman ang inorder dahil matagal pa raw ang suweldo ng mga ito. Napaawa si Malu.

Magbabayad na sana ang mga bumbero ng kanilang kinain nang sabihan sila ni Malu na free ang kanilang kinain.

Ako na lang po ang magbabayad. Blowout ko sa inyo. Kung hindi po sa galing ninyong pumatay ng apoy, baka umabot sa aming restaurant ang sunog. Kung masusunog ito, mawawalan po ako ng trabaho.

Pagkaraan ng isang linggo, may dumating na wheelchair sa bahay ni Malu. Kailangan niya talaga ang wheelchair para sa kanyang ama pero kulang ang kanyang pera kaya hindi muna niya ito maibili. 

Lingid sa kanyang kaalaman, na –touched ang limang bumbero sa paglilibre ni Malu sa kanila ng lugaw. Nagkataong friend pala ng isang bumbero ang may-ari ng restaurant na pinaglilingkuran ni Malu. Nalaman ng bumbero na maglo-loan sana si Malu sa SSS dahil iyon ang ipambibili niya ng wheelchair. Ang problema ay kulang pa siya ng ilang buwang hulog para ma-qualify na mangutang sa ahensiya. Nag-ambagan ang mga bumbero hanggang makabuo sila ng halagang pambili ng wheelchair. Iyon ang regalo nila sa kauna-unahang tao na nagpahayag ng papuri sa kanilang trabaho.              

BLOWOUT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with