80 katao, bumuo ng human pyramid habang nakasakay sa water ski

ISANG water skiing team na binubuo ng 80 katao sa Wisconsin ang nakabuo ng anim na human pyramid habang sila ay nakasakay sa water ski.

Hindi natinag ang mga binuong human pyramid ng grupo sa kabila ng pag-andar ng water ski sa layong 349 metro, na halos doble ng dating world record na nasa 172 metro lamang.

Nang nag-eensayo pa lamang ang grupo ay nasa 70 katao lamang ang kasali sa kanilang team ngunit nagawa pa nilang magdagdag pa ng 10 upang lubos na mahigitan ang dating team na nagtala ng dating world record, na nasa 64 katao lamang.

Ayon sa tagapagsalita ng grupo, hindi pa opisyal ang kanilang world record at inaasahan nilang aabot ng dalawang linggo ang gagawing pagsusuri ng Guinness sa kanilang mga isinumiteng mga patunay bago nito kumpirmahin na nakapagtala nga sila ng bagong world record.

Show comments