Akala mo ikaw lang ang may “insecurities”. Ang totoo, lahat ng tao ay may kinaiinsekyuran.
Kapag gumawa ka ng desisyon, huwag mong asahan na 100 percent na maganda ang kahihinatnan noon. Ang importante ay sinubukan mo. Kapag nabigo, ulitin at baguhin ang strategy para mapalapit sa tagumpay.
Laging may isang tao na mas magaling sa iyo. Kaya nonsense na ikumpara mo ang iyong sarili sa ibang tao.
Ang makokontrol mo lang ay iyong sarili: kung ano ang iyong iisipin at gagawin, liban doon ay wala na. Basta’t nasa tama kang landas, huwag bigyan ng importansiya ang sasabihin at iisipin ng ibang tao tungkol sa iyo.
Hindi lahat ng iyong kadugo ay iyong kapamilya. Minsan kung sino pa ang hindi mo kadugo ang tunay na nagmamalasakit sa iyo kaya hindi lang kapamilya ang turing mo sa kanila kundi kapuso na rin.
Ang buhay ay parang isang suspense movie. Lagi itong may hatid na sorpresa.
Hindi lahat ng tao ay magugustuhan ka pero minsan, kung sino ang umaayaw sa iyo, siya naman ang gustung-gusto mo.