Ang binatang hindi marunong lumangoy

BINATA na ay hindi pa marunong lumangoy si George Lucas. Ito ang kapintasang madalas ikantiyaw sa kanya na nagiging dahilan ng kanyang pagkapahiya. Bata pa ay mahilig na siya  sa photography. Nang maging adult ay naging interesado sa cinematography. Sa kanyang mga interview, lagi niyang sinasabi na kaya siya nangarap  maging isang mahusay na filmmaker ay upang makabawi sa pagiging bopols sa swimming.

Nag-enrol siya sa University of Southern California School of Cinematic Arts at kumuha ng Bachelor of Fine Arts in Film. Nag-concentrate siya sa camera work and editing, lighting, special effects. Naisipang magsulat ni George ng script. Ngunit nang ialok niya ito sa mga producers, ito ay kanilang ni-reject dahil mahirap daw intindihin ang istorya. Inayos niyang muli ang script upang mas mabilis maintindihan ang istorya. Pagkaraan ng apat na taon, may tumanggap din sa script, ginawa itong pelikula na may pamagat na Star Wars. Hindi nila akalaing tatabo ito sa takilya Akalain mo bang magiging “Highest grossing film of all time” ang script na ilang beses tinanggihan ng mga producers?

Si George Lucas din ang creator ng Indiana Jones. Hindi man siya makalangoy sa tubig, ngayon naman ay lumalangoy siya sa pera. Si George Lucas ay isa sa mga kinikilalang American film industry’s most financially successful directors/producers, with an estimated net worth of $5.3 billion as of 2018. Siya ang 94th richest person in US ayon sa Forbes.

Show comments