(Part 4)
1. Noong 1989, ipinagbawal ni Nicolae Ceaucescu, diktador ng Romania, ang paglalaro ng scrabble dahil para lang ito sa sobrang matalino.
2. Isang milyong bunkers ang ipinagawa ni Enver Hoxha, diktador ng Albania para pagtaguan ng mga tao sa
panahon ng giyera. Kaso wala namang nangyaring
giyera. Sa kasalukuyan ay tinitirhan ito ng mga homeless.
3. Ang personal attendant ni Saddam Hussein ay pinagsasaksak ng kanyang anak na si Uday sa harapan ng mga bisita sa birthday party ni Saddam.
4. Nagkaroon ng sexual relationship si Hitler sa kanyang pamangkin.
5. Si President For Life Francois “Papa Doc” Duvalier, dictator of Haiti ay namuno simula 1957-1971. Ipinakulam niya ang kanyang kaaway na si Clement Barbot. Noong hindi na niya nakikita ang kaaway, pinaniwalaan niyang naging asong itim na ito kaya ipinag-utos niyang patayin ang lahat ng itim na aso sa Haiti.
6. Nang lumutang si Barbot, pinugutan niya ito ng ulo. Itinago niya ang ulo ng kaaway para gamitin sa Vodoo ritual.