Bayan sa Ecuador, nagtayo ng pyramid na gawa sa rosas para sa world record
SA kagustuhang makapasok sa Guinness Book of World Records ay gumamit ng kalahating milyong bulaklak ng rosas ang mamamayan ng Tabacundo, Ecuador para sa pagtatayo ng isang dambuhalang pyramid.
Sa ngayon ay hawak ng Dubai ang world record para sa pinakamalaking flower arrangement sa mundo nang gawin doon ang life-sized sculpture ng isang eroplano na gawa rin sa mga bulaklak noong 2016.
Katulad ng itinayong pyramid sa Ecuador, binubuo rin ng kalahating milyong bulaklak ang eroplanong ginawa sa Dubai.
Ibinase sa sinaunang istruktura na matatagpuan din sa Ecuador ang disenyo ng pyramid na gawa sa bulaklak. Bukod sa pagsungkit sa world record ay umaasa rin ang mga taga-Tabacundo na pagmumulan ng turismo sa kanilang lugar ang itinayo nilang pyramid.
Layunin din nila na pagtitibayin nito ang industriya ng bulaklak sa Ecuador, na kasalukuyang pangatlo sa pinakama-laking exporter ng mga bulaklak matapos ang the Netherlands at Colombia.
- Latest