(Part 2)
1. Maling akala: Ang “forbidden fruit” na binanggit sa Book of Genesis ay “apple”.
Ang katotohanan: Walang sinabi sa Bibliya na apple ang forbidden fruit. Sa original na Hebrew text, ang ginamit lang na salita dito ay tree at fruit. Nang i-translate ang Bibliya sa Latin, ang ginamit nilang salita sa fruit ay mali na may dalawang ibig sabihin: evil at apple.
Sa sinaunang Germanic languages, ang salitang apple ay pangkalahatang salita para sa mga prutas. Kaya kapag idinodrowing ng mga German at French artists ng 12th century ang tungkol sa forbidden fruit, apple ang kanilang inilalarawan. Pero sa katotohanan, puwede rin ibang prutas ang gamiting simbolo ng forbidden fruit: grapes, fig, apricot.
2. Maling akala: Ang black belt sa martial arts ay indikasyon ng expert level or mastery.
Ang katotohanan: Ang black belt ay hindi indikasyon ng expert level or mastery. Unang ginamit ang black belt sa Judo noong 1880s. Kapag ikaw ay may black belt, ibig sabihin ay mahusay ka na sa lahat ng basic techniques ng judo.
Sa judo at ibang Asian martial arts, ang holder ng mas mataas na rank kaysa black belt ay belt na may alternating panel ng red at white. Ang pinakamataas sa lahat ay solid red belt.