Ang ‘original ending’ ng fairy tales

ANG layunin ng paglikha ng fairy tales noong araw ay upang mangaral tungkol sa mabuting pag-uugali. Dagdag pa rito, ang fairy tales ay ginamit noon para itaguyod sa isipan ng mga tao na ang kademonyuhang pag-uugali, kalibugan, kasakiman at pagmamataas ay may kapalit na masamang karma. Sa kagustuhang takutin ang mga tao sa paggawa ng kasamaan, naging barbaric  ang kaparusahan sa mga kontrabida.

Sa pagdaan ng panahon, naisipan ng Disney na gawan ng pelikula ang mga classic fairy tales na ito. Bata ang target audience ng Disney kaya “nilinis” nila ang istorya. Ang “dark”  premise ay pinagaan upang umangkop sa makabagong panahon na hindi na kailangang manakot para mag-behave ang mga tao.

Cinderella

Disney’s Version:

Isang kawawang Cinderella ang inaapi ng kanyang madrasta at mga stepsisters. Palihim na dumalo sa party ng Prince. Sa pagmamadali, naiwan ang glass shoes. Ito ang naging basehan upang matagpuan ng Prince ang totoong nagmamay-ari ng sapatos. Sa wakas natagpuan niya si Cinderella and they live happily ever after.

Original story:

Pinutol ng stepmother ni Cinderella ang paa ng dalawa niyang stepsisters para magkasya ang sapatos. Ngunit nabisto pa rin ng Prince na si Cinderella ang tunay na may-ari ng sapatos. Sa araw ng kasal, inatake ng mga kalapati ang mga stepsisters. Tinuka nang tinuka na mga kalapati ang mata ng stepsisters hanggang sa mabulag. (Itutuloy)

 

Show comments