Gimmick ng mga sindikato ng droga
ANG akala yata ng mga international drugs syndicates ay magogoyo nila ang madlang authorities ng Philippines my Philippines sa monitoring ng kanilang mga ipinadadalang kontrabando sa mga international airport.
Kadalasan pang ginagamit ng mga kamoteng ito ang postal sa pag-aakalang makakalusot sila todits.
Hindi nila alam may ‘tipster’ ang mga autoridad natin ngayon, ang mga international counter parts nila abroad ang kumakanta ng mga ipinadadalang kontrabando kung ano ang mga ito at saan nakatago.
Naku ha!
‘That’s good.’
Ang mga tumatawag na counter parts natin ay ang mga taga - US of A, China, Malaysia, Indonesia, Hongkong, Taiwan at iba pa.
Bakit?
Malaki na kasi ang tiwala ng mga nasabing bansa sa atin simula ng gumanda ang relasyon natin sa kanila kaya naman lahat ng mga kontrabandong gustong ipasok sa atin ay natitimbog sa airport.
Kaya naman kamot bayag este mali ulo pala ang mga sindikato oras na nahuli ang kanilang shipments at ang masama pa rito kulong pa ang kanilang mga alaga.
Malaking pera kasi ang nakataya sa droga at kikitain ng mga drug couriers.
Kaya naman, the other day, 2.375.5 grams na shabu ang nasungkit ng pinagsanib na grupo ng PDEA at Customs Drugs Enforcement sa isang warehouse ilang metro ang layo sa NAIA Terminal 2.
Almost P12 million ang halaga ng shipments na itinago sa mga laruan, isiniksik sa mga unan at sa medicine cabinet. Ang hindi alam ng mga kamote ay matagal na itong tinitiktikan.
Lahat na yata ng istilo ay ginagawa na ng mga sindikato para maipuslit ang shipment nila sa Philippines my Philippines.
Abangan.
• • • • • •
Exposed ni Diño
Dahil sa mga pinagsasabi ni DILG Usec Martin Diño sa ginawa nitong pagbubunganga na may mga diumano’y mga mambabatas at mga LGU’s daw ang nakialam o nang impluwensiya sa Barangay at SK election.
Kaya naman nananawagan ang ilang sektor na ilabas niya ang mga pangalan at kasuhan niya ang mga ito sa korte.
Korek ka riyan!
Bilib tayo sa ginawang pagbubulgar ni Diño may tapang ito.
Ika nga, macho style?
Dahil sa ipinakita niyang lakas na loob sa ginawang pagkaburara este mali pagbubulgar pala tiyak marami ang nasaktan at nagtaasan ng kilay kaya naman may mga sektor na humahamon kay Martin na pangalanan niya ang mga pinagbibintangan niya.
Sabi nga, sampahan ng kaso ang mga sinasabi niya at pangalanan na rin niya.
Hindi biro ang numero ng mga kongresista at LGU’s diumano ang nang impluwensiya diumano sa mga botante para iboto ang kanilang mamanukin sa susunod na election?
Kaya naman nanggagalaiti ang ilang kongresista na ibulgar ang mga pangalan.
‘Sabihin kaya ni Diño ang mga pangalan nila?’
Abangan.
- Latest


















