Mas mataas ang vitamin C ng broccoli, parsley, brussel sprouts, at red bell peppers per 100g serving kaysa oranges.
Taglay ng dahon ng malunggay ang essential amino acids na nagpapatibay ng ating muscle tissue. Mataas din ang iron nito kaysa spinach; mataas sa calcium kaysa gatas at maraming vitamin A kaysa carrots.
Napatunayan noon pa na ang calcium ay magiging epektibo lang sa pagpapatibay ng ating buto kung iinom tayo o kakain ng pagkaing mayaman sa vitamin K. Hindi gatas ang makakatulong upang lumakas ang ating buto kundi ang mga sumusunod: Avocado, peaches at saging.
Ang balat ng kiwi ay kinakain. Dito makukuha ang maraming fibers at vitamin C.
Ang patatas ay mayaman sa Vitamin C, Potassium, Fiber, Vitamin B6 at kukoamines na nakakapagpababa ng blood pressure.
Karamihan sa mga babae ng kahit anong lahi ay mas maputi or lighter ang kulay ng balat kumpara sa mga lalaking kalahi nila. Ito ay para mas maraming vitamin D ang masipsip ng kanilang balat mula sa sikat ng araw. Kung maraming vitamin D ang katawan, mas maraming gatas ang mapo-produce ng kanilang katawan.
Ang akala natin, ang oranges ay isa sa mayaman sa vitamin C. Hindi pala. Hindi ito kasama sa top 10 foods na mayaman sa vitamin C.
Ang brain damage na nagiging problema ng maglala-sing ay maiiwasan kung siya ay kakain ng masusustansiyang pagkain.
Ang gatas ay nagtataglay ng magnesium, calcium, vitamin B, at theanine, na nakakapagpababa ng insidente ng depresyon, pagkabalisa at nerbiyos.
Wala pang pag-aaral ang nagpatunay na ang vitamin C ay pumipigil sa pagkakaroon ng sipon at lagnat.