Huwag munang magpakasal kung…
Siya lang ang bumubuhay sa kanyang mga magulang at kapatid. Kapag nagpakasal kayo, magiging kontrabida ka sa kanila. Siyempre, mababawasan ang sustento ng pamilya dahil nariyan ka na, na makikihati sa grasya. Kahit pa may trabaho ka. Hintayin mong may kapatid na humalili sa pagbuhay ng kanyang pamilya or maturuan niya ang kanyang pamilya na tumayo sa sarili nilang paa.
Walang imik. Hindi siya komportable na magprangkahan kayo kapag may problema. Dinededma lang niya ang inyong problema.
Kinaliwa ka niya. Hangga’t hindi siya nagpapakita ng sinserong pagsisisi huwag mong igawad ang iyong pagpapatawad. Kakambal ng kanyang pagsisisi ay dapat na ipagtapat sa iyo kung ano ang nakita niyang kakulangan sa inyong relasyon na nagtulak upang hanapin ang kakulangang iyon sa ibang kandungan.
Nabawasan na ang kanyang paglalambing. Delikado iyan, baka nawawalan na ng gana sa iyo at nahihiya lang umamin.
Adik sa alak, drugs o sugal. Magpa-rehab muna bago magpakasal.
May mabigat siyang pinagdadaanan: namatayan, may mabigat na sakit ang isang kapamilya, may malaking problema sa trabaho.
May hindi magandang inuugali sa iyo: dominante at abusado.
May hinaharap na mental health issues.
May sikretong itinatago sa iyo.
- Latest