Mandurugas ng mahirap

Kailan lalaya sa hirap at dusa

mga kapuspalad nitong ating bansa?

Maraming ang hangad sila’y guminhawa

sa hirap ng buhay na ngayon ay dapa?

 

Marami sa bayan at baryo ngayon

bahay ng mahihirap ginigiba roon;

mga mayayaman lagi nang may patron

na taong gobyernong asal ay simaron;

 

Hangad ng mayayaman makuha ang lupa

sasabihing kanila’t may titula sya;

bahay ng mahihirap ipinagigiba

kaya ang mahihirap nasa tabing-sapa!

 

Ganito ang buhay ng mga mahirap

na walang tahana’t sa pera ay salat;

kaya kung eleksyon sila’y naghahangad

pera ng candidate na kilalang korap!

Show comments