Natutuwa po ako at nagpasya si President Digong na papasukin sa bansa ang China Telecom para mayroong makakumpitensiya ang dalawang giant telecom company na Smart at Globe. Kailangang mayroong kalaban para umunlad ang bansa sa larangan ng telecommunications particular ang internet connection.
Sa aking palagay kaya tayo napapag-iwanam sa larangan ng turismo ay dahil sa napa-kabagal na internet. Sino ba namang dayuhan ang gaganahang magbalik sa bansa kung wala namang mahusay at mabilis na internet.
Palagay ko, kaya maraming turista sa Bangkok, Thailand ay dahil superbilis ng internet doon.
Naranasan ko mismo ang bilis ng internet sa Bangkok habang kami ay nasa isang hotel doon. Napakabilis talaga. Nang mag-message ako sa aking friend sa Pilipinas, hindi ko pa gaanong napipindot ang send ay naroon na kaaagad. Nakakaaliw ang internet connection doon.
Ganundin nang magtungo ako sa Vietnam. Imagine, mahirap din na bansa ang Vietnam pero maulad ang kanilang telecommunication industry.
At ito pa, halos kapantay na lang natin ang Bangladesh pagdating sa internet connection. Pero maaaring malampasan tayo ng Bangladesh kung hindi gagawa ng paraan ang gobyerno.
Kaya pinupuri ko si Digong sa pag-invite niya sa China Telecom. Salamat sa aksiyon na ito.