^

Punto Mo

Kakaibang gamit ng Asukal

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Para tumagal ang pagiging sariwa ng bulaklak. Paghaluin ang 3 kutsarang asukal + 2 kutsarang suka. Ito ang ihalo sa tubig na nakalagay sa flower vase.

Pantanggal ng engine oil sa kamay. Paghaluin ang asukal at cooking oil. Ito ang imasahe sa kamay. Isahod sa gripo. Sabunin ang kamay. Banlawan muli ang kamay.

Pantanggal ng dead skin sa paa at talampakan. Gawin ito bago matulog. Imasahe sa paa ang pinaghalong 4 na kutsarang asukal at 3 kutsarang baby oil or olive oil. Banlawan ang paa ng maligamgam na tubig. Suotan ng medyas bago matulog.

Maglagay ng sugar cubes sa storage jar ng iyong nilutong cookies para manatili itong “fresh” at magtagal ang shelf life.

Pang-body scrub. Gawin ito matapos mag-shower. Gamitin ang mixture ng asukal at oil sa number 3. Kailangan mo ng assistant kapag likuran mo ang imamasahe. Turuan ang iyong assistant na imasahe ang mixture in a circular motion. Magbanlaw ng tubig.

Pang-facial scrub. Paghaluin ang mga sumusunod hanggang maging paste:  1 kutsara sugar, 1 kutsara rice flour, and 1 kutsara evaporated or fresh milk. Linisin muna ang mukha. Sa loob ng 5 minutes, imasahe ang mixture, in circular motion, sa iyong mukha. Hayaang matuyo. Banlawan ng malamig na tubig. Mainam ito kapag may blackheads.

Pang-lip scrub. Basain ng tubig ang lips. Gamit ang daliri, lagyan ang lips ng asukal. Dahan-dahang imasahe ang asukal in circular motion. Mainam itong gawin sa nagbabalat na lips.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with