“HINDI naman murderer ang ating mga sundalo,” ito ang pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana tungkol sa mga miyembro ng Maute na umano’y nagpahayag ng kanilang kagustuhang sumuko sa mga otoridad.
Maraming buhay na ang nalagas sa hanay ng ating mga sundalo at ganun na rin sa mga nadamay na sibilyan. Marami ring namatay sa mga kalaban.
Nagmistulang ghost town ang Marawi dahil sa mga sira-sirang establisyamento. Maging ang mga mosque ay ginawang kuta ng mga Maute.
Ipinarating kay Lorenzana ni Lanao del Sur. Rep. Mauyag Papandayan na gusto nang sumuko ng mga natirang mga Maute terrorists sa battle zone.
Hiling lang ng mga miyembrong ito na huwag silang patayin kapag sumuko sila. Dagdag pa ni Lorenzana nag-iikot daw ang mga sundalo gamit ang mga bullhorns sa Marawi City para kumbisihin ang mga Maute-ISIS na sumuko na lang.
Ang tanging kailangan lang gawin ng mga ito ay lumabas na nakataas ang dalawang kamay. Kahit anong oras nila maisipang sumuko ay pwede silang lumabas at inulit pa ni Lorenzana na hindi sila papatayin.
Ikukulong nila ang mga ito at hahayaan na ang korte na magpataw ng karampatang parusa sa mga susukong miyembro ng Maute Group.
Sa ngayon ay humigit kumulang 100 na lamang ang mga Maute na naiwan doon.
Kung iniisip na ng natitirang sumuko malamang nito ay hindi na nila kasama ang kanilang lider dahil paniguradong hindi naman ito magtataas ng kamay kung sa tingin nila ay kakayanin pa nilang lumaban sa pwersa ng gobyerno.
Sa tantiya ni Lorenzana tatlong araw na lang ang itatagal ng bakbakan sa lugar. Isa na sa pinakamahirap na sitwasyon ang nangyari sa Marawi hindi lamang para sa gobyerno kundi maging sa mga taong nakatira doon at sa ating mga sundalo.
Marami sa kanila ang nalagas para maipagtanggol ang ating bansa laban sa terorismo.
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.
Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.