^

Punto Mo

‘Sunud-sunod na unos’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

ILANG hurricane na ang tumatama sa Amerika at ang pinakahuli ay si Hurricane Irma sa Florida at sa iba pang mga bansa.

Ilang tao ang namatay sa paghagupit ni hurricane Irma. Pinayuhan na ang mga residente na likasin ang South Florida.

Tulad sa Pilipinas unti-unti pa ring bumabangon ang nasabing lugar mula sa earthquake nung taong 2010.

Maraming tahanan ang sinira ni Irma at pati na rin ang linya ng kuryente at tubig. Nangangamba ang karamihan na baka may sakit na kumalat dahil sa maruming tubig.

Matatandaang nag pull-out si US President Donald Trump sa Paris climate change agreement.

Hindi natin alam kung kailan darating ang malaking unos sa atin. Sa Pilipinas pa lang lalung-lalo na sa Leyte ay ilang ulit na silang sinalanta ng bagyo.

Hindi pa man lubusang nakakabangon ang ating mga kababayan doon ay may panibago na namang pagsubok ang tumama sa kanila ngunit pinipilit nilang maging matatag at ipinapanalangin na mabigyan sila ng sapat na lakas ng loob para mapagtagumpayan ang lahat ng ito.

May mga lindol na ring naranasan sa ating bansa na talaga namang sumira sa malaking bahagi ng siyudad na tinamaan nito.

Maging ugali na natin ang manalangin sa Panginoon na gabayan niya tayo sa bawat araw at ilayo sa lahat ng unos.

Palagi nating isipin ang ikabubuti ng ating bansa at mahalin natin ang ating kalikasan sapagkat ito ang bumubuhay at pumoprotekta sa atin.

Meron tayong fault lines at nawa’y gabayan tayo ng Maykapal at huwag tayong madalas tamaan ng bagyo at iba’t ibang unos.

Yung mga extrajudicial killings na yan at ibang mga nangyayaring krimen ay balewala yan kapag naningil ang Panginoon.

Naalala ko nung pinagtatawanan si Noah dahil gumagawa siya ng arko kahit na sabihin mong metaphorical ito totoo pala yun. Dadating ang panahon na kakailanganin natin ang malalaking barko para maging ligtas tayo.

Kailangan ay maging handa din tayo sa lahat ng pagsubok at ipanalangin na patnubayan at gabayan tayo sa pang-araw araw nating buhay.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with