^

Punto Mo

‘Bawas red tape’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

LAHAT ng opisina ng gobyerno na pinupuntahan ng mga Pilipino ay ipinag-utos ni Presidente Rodrigo Duterte na maging maayos at mabilis ang kanilang serbisyo.

Hindi na bago na maraming reklamo ang natatanggap ng iba’t ibang sangay ng gobyerno dahil sa mahahabang pila at bagal ng mga kilos ng empleyado nito.

Nitong nakaraan ay inutusan ko ang aking staff na magpunta sa Department of Trade and Industry (DTI). Sa mga ganitong pagkakataon dapat bitbit mo ang haba ng pasensya at handa kang maghintay ng matagal.

Sa DTI sa may Shaw Boulevard maliit lang ang building nila pero pagpasok mo ay maayos kang aasistehan ng gwardiya at ganun na din ng nasa mesa pagkapasok mo ng kanilang opisina.

Matiyaga nilang ipinapaliwanag ang mga kailangang dokumento. May tatlong steps kang pagdadaanan. Wala na ang pabalik-balik na ikinatatagal ng proseso.

Kung lumampas na sa anim na buwan na paso ang business name mo kinakailangan mong mag apply bilang bagong aplikante.

Sandali lang daw ang ginugol ng aking staff para ma-verify kung wala pang kapangalan ng ipinaparehistro namin.

Nagpapasalamat kami kay Mr. Robert Guong, BN Processor sa kanyang pag-asiste sa amin.

Kinakailangan kompleto ang dala mong dokumento pagpunta mo dun para mas mapadali at isang lakaran ka na lang.

Bago ka magpunta sa kanilang opisina ay pwede kang tumawag sa kanilang hotline para magtanong ng mga dokumentong kinakailangan mong bitbitin at iba pang requirements.

Kung lahat ng sangay ng gobyerno ay ganito kabilis ang pagpoproseso at ganito sila kagiliw at katiyagang sumagot sa mga katanungan ng mga taong pumupunta sa kanilang opisina ay mababawasan ang yamot ng ating mga kababayan sa paghihintay.

May mga hotline at websites din naman silang maaaring tawagan at bisitahin para masagot ang inyong katanungan.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong mag-text sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with