MAGANDANG pakinggan na posibleng maging apat na araw na lang ang trabaho ng isang tao sa loob ng isang linggo pero kung dadagdagan ka ng apat na oras para mabuo ang nakasaad sa batas papayag ka pa ba?
Mula sa walong oras na pagtatrabaho sa loob ng lima o anim na araw sa isang linggo ay bababa ito sa apat na araw pero aabot naman ng labing dalawang oras kang kakayod.
May mga umalma dahil ang magiging kawawa dito ay ang mga trabahador lalo na ang kanilang kalusugan.
Maliban sa walong oras na trabaho ay mahabang oras din ang kakailanganin nila para maghanda at bumiyahe papunta sa opisina.
Hindi ba masyado namang banat ang katawan ng mga trabahador kung sakali?
Nakasaad sa batas na kailangan makapagtrabaho ka ng 40 hanggang 48 oras kada linggo at pag sumobra dun ay saka ka lang makakatanggap ng overtime pay.
Isa rin sa dapat tingnan ay kung hindi maisasaalang-alang ang kalidad ng trabaho dahil pagod na sila kailangan pang ituloy ang ginagawa.
Naaprubahan na ito sa House of Representatives at maglalabas naman daw ng Implemen-ting Rules and Regulations ang Department of Labor and Employment (DOLE).
Magandang busisiin ang mga panuntunan ng nasabing panukala para mas maunawaan ng tao ang nilalaman nito. Sa ganitong paraan masala nila kung makakabuti ba ito sa kanila o mas mahihirapan lamang sila kung sakaling magtuluy-tuloy ang pag-apruba nito.
Ang mga trabahador din dapat ang tanungin tungkol sa usaping ito kung pabor ba sila o hindi sa nasabing panukala.
Isa sa author ng panukalang ito ay si Baguio Rep. Mark Go at sinabing niyang ang Labor department na may mga kompanyang pinapayagan nang magkaroon ng compressed work schemes.
Hindi kaya ang labing dalawang oras ay hindi makakaya ng lahat ng tao? Alam ko ang mga gwardiya na mga matitipuno ay may ganung klaseng working schedule pero walag masamang subukan kung ito ang magiging solusyon ng gabundok na traffic na maraming oras panahon at pati na pera ang nawawala sa ating bayan.
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.
Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.