^

Punto Mo

Soli-bayad at public apology ng McCann

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

ISANG malaking kahihiyan ang ibinigay ng higanteng advertising company na McCann Worldgroup Philippines sa Department of Tourism (DOT) kaugnay ng ginawa nitong kontrobersiyal na advertisement.

Masasabing walang katapat na salapi ang kahihiyang ibinigay ng McCann sa DOT dahil sa ginawa nitong advertisement na may pamagat na “Sights” na lumitaw na kahawig din “Meet South Africa” commercial ng South Africa noong 2014.

Batay sa ulat, ang McCann din ang gumawa ng commercial sa South Africa kaya naman hindi malayong nakopya kung hindi man sinasadya ang ginawa nitong advertisement sa DOT.

Aabot sa P650 million ang kontrata sa pagitan ng McCann at DOT na nabuo sa panahon ng Aquino Administration.

Dahil dito, nagdesisyon ang pamunuan ng DOT na putulin na ang kontrata sa McCann at hiniling ang public apology.

Hanggang sa ngayon, walang public apology na ginagawa ang McCann na ayaw umamin sa kanilang pagkakamali.

Dahil salapi ng taumbayan ang pinag-uusapan dito, akma lamang na bukod sa public apology ay isoli rin ang mga bayad na natanggap noon sa DOT upang hindi madehado ang taumbayan.

Sa panig ng DOT, dapat na maging maingat dito ito sa mga ipinalalabas na advertisement dahil bago naisahimpapawid ang nasabing commercial pinaaprubahan muna sa kanila.

Napakaimportante ng mga advertisement patungkol sa turismo dahil isa itong pamamaraan upang makahikayat pa ng mga turista na magtutungo sa Pilipinas na makakatulong sa ekonomiya ng bansa.

Bukod sa maayos na peace and order ay kailangan din na malaman sa buong mundo ang kagandahan ng mga tanawin na dapat dayuhin sa bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with