HINDI dapat pagduduhan ang tunay na kalagayan ng kalusugan ni Pres. Rodrigo Duterte.
Nagsalita na ang Malacañang at sinabing nagpapahinga lang ang Presidente matapos ang sunud-sunod na biyahe sa ibang bansa at ang pagtutok sa problema sa Marawi City na sinalakay ng Maute group.
Hindi naman maitatatwa na 72-anyos na ang Presidente.
Hindi makakabuting mag-speculate ang publiko sa kalusugan ng Presidente at huwag maniwala sa mga tsismis at fake news sa social media.
Hayaan natin na makapagpahinga ang Presidente dahil mas makakabuti ito sa kanyang pamumuno.
Dapat namang maghinay-hinay ang Presidente sa kanyang trabaho at limitahan ang kanyang mga aktibidad na nakaakma sa kanyang edad.
Mismong ang mga opisyal ng Malacañang ang dapat na mag-obliga sa Presidente ng limitadong engagement upang makaiwas sa anumang pagkakasakit.
Sa gitna ng nasabing usapin, makabubuting manahimik na lang muna ang publiko kasabay na ipagdasal ang Presidente na bigyan nang malakas na kalusugan upang mapamunuan nang maayos ang bansa at malutas ang mga pangunahing problema ng mamamayan.
Lahat naman tayo ay nagnanais na magtagumpay ang Presidente dahil makikinabang dito ang buong bansa.
Abangan na lamang ang Presidente makalipas ang ilang araw na pamamahinga na ayon sa Malacañang ay ito lang ang paaan upang muling manumbalik ang napagod na panga-ngatawan.