Magbabaha dahil sa mga basura
Sa isang buwan pa ang tag-ulan pero ngayon ay nagpapahiwatig na ang langit na maraming ibubuhos na ulan na magdudulot nang pagbaha. Tuwing hapon ay umuulan at maaaring magtuluy-tuloy na ito. At iisa lamang ang ibig sabihin, nalalapit na naman ang problemang baha na taun-taon na lamang ay nararanasan ng mga taga-Metro Manila.
Pero kung magkakaroon ng disiplina ang mamamayan sa pagtatapon ng kanilang basura, makakatulong sila para hindi magbaha sa Metro Manila. Lahat nang basurang itinapon ng mga walang disiplinang mamamayan ay nasa estero. Barado na ang waterways at sa kalsada ang hantong ng tubig-baha. Hindi na makadaloy ang tubig sapagkat binarahan na ng mga basurang hindi nabubulok.
Sana, magkaroon ng disiplina ang mamamayan sa pagtatapon ng basura. - MICHAEL ORCASETAS, Parang, Marikina City
- Latest