Ang Bobo
PALIBHASA ay tamad mag-aral, siyempre, laging mababa ang grade. Ito ang dahilan kaya lagi siyang tinutukso ng mga kaklase na bobo. Paano, sa halip na magbasa ng kanyang homework, walang inatupag ang first year high school na ito kundi mag-shooting, gamit ang kanyang 8 mm camera upang makalikha ng homemade movies. Halimbawa, kukunan niya ang kanyang train set na tila nabangga sa isang malaking building. Mula sa mga na-capture na images ng kanyang 8 mm camera, nakakalikha siya ng sine-sinehan o homemade movies. Ipinapalabas niya ito sa mga kalaro at sumisingil siya ng 25 cents entrance fee habang ang kapatid niya ay nagbebenta ng popcorn.
Pagkatapos ng first year high school ay nagpasiya siyang huminto sa pag-aaral. Mabuti naman at nakumbinsi siyang muli na bumalik sa pag-aaral, kaya lang, napagkamalan siyang may learning disability kaya inilagay siya sa section na may ganoong problema. Nainis ang mga magulang niya kaya inilipat siya sa isang mas mahusay na eskuwelahan at doon na nagtiyagang makatapos ng high school.
Gusto sana niyang mag-aral ng filmmaking sa University of Southern California School of Theater, Film and Television pero hindi siya nakapasa sa entrance test kaya nag-aral na lang siya sa California State University. Minsan, nagkaroon siya ng pagkakataong mag-aplay ng trabaho sa Universal Studio na ang tanging bitbit ay briefcase na hiniram sa ama, lakas ng loob at umaapaw na pangarap sa kanyang puso. Akalain ba niyang sa oras palang iyon magsisimula ang kanyang career bilang filmmaker.
Pagkaraan ng 10 taon, ang batang mahilig mag-shooting gamit ang kanyang 8 mm camera, si Steven Spielberg, ang lilikha ng pelikulang ituturing na highest grossing movie of all time, ang JAWS. Kumita ito $470 million.
- Latest