^

Punto Mo

Kahuli-hulihang lalaking White Rhino sa mundo, nag-dating app upang makahanap ng kapareha

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MARAHIL ay desperado na ang kaisa-isang lalaking white rhino na natitira sa buong mundo na makahanap ng kapareha kaya pati ang isang dating app sa smart phone ay pinatulan na nito.

Makikita na ngayon ang profile ng northern white rhino na si Sudan sa sikat na dating app na Tinder matapos siyang i-rehistro ng mga nangangalaga sa kanya upang ipalaganap ang kaalaman ukol sa papaubos na lahi ng mga rhinoceros.

Dahil sa pagiging huling lalaki ng kanyang uri ay binansagan si Sudan bilang “Most Eligible Bachelor in the World”. Ipinagmamalaki rin ng kanyang profile na sa kanya literal na nakasalalay ang kinabukasan ng kanilang lahi.

Iilan na lang ang mga northern white rhinoceros sa mundo kaya papaliit na nang papaliit ang pagkakataon ng kanyang uri na makapagparami. Sa edad niyang 43, matanda na rin si Sudan para sa isang rhinoceros kaya hirap na rin siyang magkaanak.

Bukod sa pagpapalaganap ng kaalaman ukol sa kalagayan ng mga rhinoceros na katulad ni Sudan ay layunin din ng kanyang mga tagapag-alaga na makalikom ng sapat na salapi para sa in-vitro fertilization (IVF).

Target ng grupo ang $9 million na halaga para sa IVF na maaring kahuli-hulihan at kaisa-isang pag-asa ng lahi ni Sudan para sila ay makapagparami bago maubos lahat.

vuukle comment

SMART PHONE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with