Parekoy (3)
SA likod ng bahay --- sa ilalim ng punong Indian mango sila nagkuwentuhan. May mesa roon at silya. Inilabas ni Lino ang dalang alak. Kumuha ng baso si Ping.
“Masarap mag-inuman dito, Parekoy, presko ang hangin. Noong ginagawa ang bahay, naimadyin ko na dito tayo sa ilalim ng mangga tutungga. Nagkatotoo, ha-ha-ha!’’
“Dapat nagpunta ako rito last year na magbakasyon ako pero marami akong inasikaso. Kasabay din ng graduation ng mga utol ko.’’
“’Yun bang mga pinaaral mo?’’
“Oo. Tapos na silang lahat at may mga trabaho na ngayon. Nabuo ko nga ang 15 anyos sa Saudi at nagkaroon naman nang magandang bunga.’’
“Etong bahay na ito ang pinagawa ko. Di ba sabi ko sa’yo, ipinangako ko kina Itay at Inay na ipagpapagawa ko sila. Awa ng Diyos natupad. Kaya lamang, kinuha na ni Lord si Itay. Pero ang maganda, bago siya namatay ay nakita at natirahan niya ang bahay na pinangako ko sa kanya. Natuwa nga si Itay nang ipinagawa ko ‘yan. Tama lang ang desisyon ko na umuwi na at hindi na binuo ang 15 anyos.’’
“Teka, Parekoy, sino ang kasama mo sa bahay?’’
“Si Inay.’’
“Nasaan siya?’’
“Nasa isang kapatid ko. Nagpahatid sa akin kanina.’’
Binuksan ni Lino ang alak.
“Aba inom na tayo, Parekoy para makarami.’’
“Sige. Nagpaluto na ako ng inihaw na tilapia. Alam ko paborito mong tilapia di ba?’’
“Oo. Lalo kung may sawsawang maanghang na suka.’’
“May masarap na suka d’yan.’’
“Teka Parekoy, wala ka pa rin bang asawa, tulad ko.’’
“Wala pa Parekoy.’’
“E may balak ka pa bang mag-asawa?’’
“Oo naman Parekoy, sa-yang ang semilya kapag hindi naisalin.’’
Nagtawa si Lino.
“Ikaw Parekoy mag-aa-sawa ka rin?”’
“Oo naman.’’
“May pinupormahan ka?’’
“Wala nga e.’’
“Pareho tayo, ha-ha-ha!’’
Nag-inuman na sila. Lalong naging masaya ang pagkikita ng dalawa.
Maya-maya may tumawag mula sa labas ng gate. Boses babae. (Itutuloy)
- Latest