Lilipad na ako patungo sa langit,
Na ang puso’t diwa’y kalong ng hinagpis;
Sa bunton ng ulap ako sisilip
Upang ang kalawakan makitang malapit;
Kay Haring Hercules, matapang malakas
Ako’y manghihiram ng giting at lakas;
Kanyang katangia’y aking ihahampas
Sa mga kriminal na sa baya’y limbas.
Sa diyosang si Venus aking ilalapit,
Ang mga problema nitong bansang gipit;
Na sana ang ganda sa buong daigdig
Ay kanyang ikalat -- tanda ng pag-ibig;
At saka kay Diana -- symbol ng dalaga
At bilis na tulad ng sa isang usa,
Aking hihilingin na damayan niya
Ang ating Presidente sa pagpapasya!