School season baguhin na

NAGLUWAG ang trapiko mula nang magbakasyon ang mga estudyante at naibsang bahagya ang problema ni MMDA Chairman Tim Orbos, at nabawasan din ng bahagya ang pagpuna ng mga kritiko sa panunungkulan nito. Ang tag-ulan at tagbaha ang dapat bigyang atensyon ng gobyerno dahil sa panahong ganito ay maraming mag-aaral at negosyante ang apektado.

Bilyon ang halaga ng negosyo at buwis ang nawawala dahil sa trapik at bilyon din ang halaga na ginugugol ng gobyerno sa edukasyon at paghahanap ng solusyon para mapabilis ang daloy ng komersyo sa bansa, kaya doble ang epekto nito sa kaban ng bayan.

Ngayon na ang tamang panahon, habang mainit pa ang suporta ng mamamayan kay Pres. Duterte para pag-usapan nina DepEd Sec. Leonor Briones, DOTr Sec. Arthur Tugade at DTI Sec. Ramon Lopez ang agarang solusyon, upang matugunan ang matagal nang hinaing ng mga magulang na nagpapaaral at mga negosyanteng apektado ng masusungit na panahon tuwing tag-ulan.

Malaking bagay din ang Information Technology na maaring pairalin at gamitin ng mga paaralan sa panahon ng tag-ulan upang kahit hindi makapasok ang studyante ay tuloy ang pagbabahagi ng leksyon nito sa pamamagitan ng Internet.

Baguhin na rin ang school season na tatama sa paborableng panahon at bigyan ng puwang ang reporma na wala munang kokontra para sa ikabubuti ng lahat.

BAKAS sa RADYO LA VERDAD 1350KHz AM Band Sabado 5:00-7:00 p.m.

 

Show comments