(Last Part)
7. Kung ang anak mo ay inggitera, kasalanan mo ‘yan! Simula pa sa pagkabata, ugali mo nang ikumpara siya sa kapwa niya bata. At ang masakit, laging siya ang talo sa comparison.
8. Kung ang anak mo ay mabilis uminit ang ulo, hindi mo kasi siya pinupuri kahit kailan. Papansinin mo lang siya kapag may masama siyang ginawa.
9. Kung ang anak mo ay nagtatago ng sekreto sa iyo, natatakot kasi siya sa ugali mong mahilig magpalaki ng isyu.
10. Kung bastos ang anak mo, iyon kasi ang nakikita niya sa iyo o sa matatandang kasama niya sa bahay.
11. Kung hindi marunong rumespeto ang iyong anak sa damdamin ng ibang tao, iyon ay dahil para kang “hari na hindi mababali ang bawat salita” kung mag-utos sa kanila.
12. Kung ang iyong anak ay mahilig makipag-away, kasi ikaw mismong magulang ay mahilig manakit sa kanya.
13. Kung sinisiraan ka ng iyong anak sa kanyang mga kaibigan, iyon ay dahil may favouritism ka. At obvious na siya ay hindi mo paborito kaya may kinikimkim siyang galit sa iyo.