Life Hacks
Headache remedy: Kumain ng 10-12 pirasong almonds. Katumbas ito ng 2 aspirins para sa migraine headache.
Isulat mo ang mga ginawa ng iyong kaibigan noong ikaw ay inalagaan niya habang may sakit. Maaaring iyon ang nakakapagpaginhawa sa kanya kapag masama ang pakiramdam. Kaya kapag siya ang may sakit, alam mo na ang gagawing pag-aalaga sa kanya.
Huwag sasagot sa tawag kung mababa pa sa 10 percent ang battery ng cell phone. Ang radiation ng less than 10 percent battery ay 1000 times stronger.
Kung kailangan mo ng steam broccoli or steam camote tops, ilagay lang ito sa ibabaw ng kumukulong sinaing. Kailangan mo lang ng patis na may calamansi, o kaya oyster sauce bilang sawsawan, may ulam ka na.
Maglagay ng kalahating kutsaritang baking soda sa tubig kapag naglalaga ng itlog. Trick ito para mabilis matanggal ang shell.
Sa isang pag-aaral noong 2007, nagiging alerto ang utak kapag uminom ng hot chocolate.
Makalawang na tools: Ibabad magdamag sa pinaghalong suka at asin. Banlawan kinabukasan at patuyuin sa sinag ng araw. Punasan ng tuyong basahan. Good as new!
Dalawang bagay na hindi dapat pagkuriputan kapag bibilhin: Ang mattress at shoes. Sa gabi, sa mattress mo ipinapahinga ang pagod mong katawan. Sa buong maghapon, sapatos mo ang nagdadala sa iyo saan ka man magpunta.
Ang taong palatawa ay matiisin sa sakit—emotional man ito o physical.
Dalawa lang ang dahilan ng iyong mga problema sa buhay: gumagawa ka ng mga bagay nang hindi nag-iisip o isip nang isip as in magaling magplano pero hindi naman isinasagawa.
- Latest