Kailan matatahimik ang bayan ko?

Patuloy pa rin ang mga ka­guluhan sa bayan kong mi­namahal – ang Inang Pilipinas. Patuloy na niyayanig ng mga isyung pampulitika. Wala nang katahimikan at hindi mag­kasundo ang mga magkakala­bang partido sa pulitika. At wala namang ibang talo sa la­banang ito kundi ang mga mahihirap na katulad ko. Wala namang ibang kawawa sa pagkakataong ito kundi ang mga walang-wala at salat sa buhay.

Bakit ba hindi na lamang magkasundo ang mga magkakalaban sa pulitika para naman umusad na ang bayan. Bakit ba hindi magkaroon nang malamig na pag-uusap para malaman nang magkabilang panig ang kanilang mga saloobin at gustong mangyari sa mahal nating bayan.

Panahon na para magkasundo at magkaisa. Bigyan ng daan ang pag-unlad sa mahal na bayan. - JERRY MANLANGI, Asturias St. Sampaloc, Manila

Show comments