Iisa ang puso

Sa buhay ng tao’y may dalawang pag-ibig

Ang isa’y maganda ang isa ay pangit

 

Magandang pagsinta’y tapat sa dibdib

Pangit na pagsinta’y sing-itim ng putik

 

Matapat na sumpa ng isang binata

Hanggang sa mamatay ito’y kanyang dala

 

Sumpang balatkayo ito ay masama

Buhay nga ang puso ngunit inaanay na

Show comments