1. Naglalagay ng “serving dishes” sa mesa. Napag-aralan ng Cornell University na nakakalaki ng kain kung may serving dishes pa sa gitna ng mesa. Mas mainam kung ang kakainin mo ay diretsong kukunin sa kaldero na nasa kitchen. Kung isang dipa lang ang “serving dishes”, madali kang matutukso na magdagdag ng pagkain sa iyong plato samantalang kung tatayo ka pa at maglalakad patungo sa kitchen, magkakaroon ka ng “second thought” na busog ka na.
2. Kulang o sobra sa tulog. Ito ang natuklasan ng mga researchers mula sa Wake Forest University sa kanilang 5 taong pag-aaral. Ang taong kulang sa tulog (5 hours or less) ay may tendency na kumain ng marami dahil laging feeling pagod. Ang mga sobra naman sa tulog (lampas sa 8 hours) ay laging tinatamad kumilos kaya hindi “natutunaw” ang calories sa katawan.
3. Mahilig sa softdrinks. Ang pag-inom ng isang lata per day ay may 30 percent na tsansang maging “obese” or super tabatsoy. Ang 2 lata kada araw ay 33 percent ang tsansa; ang higit sa 2 lata per day ay may tsansang maging tabatsoy ng 47 percent. Ayon sa US Center for Science in the Public Interest, “Carbonated softdrinks are the single biggest source of calories in the American diet”.
4. Malaking sumubo at mabilis kumain ang isang dahilan ng paglaki ng kain, ayon sa Dutch researchers. Mas dumadami ng 52 percent ang nakakain ng mabilis at malaking sumubo kaysa mabagal kumain kahit na siya malaking sumubo ng pagkain. Kung nginunguya muna nang matagal ang pagkain bago lunukin, nagkakaroon ng sapat na panahon ang utak na magbigay ng signal na busog ka na. Kung mabilis kumain, bundat ka sa kabusugan bago ma-realize na busog ka na pala.