^

Punto Mo

Iceland, ang bansang walang lamokMGA

PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HANGGANG ngayon ay misteryo pa rin sa mga dalubhasa kung bakit walang natatagpuang lamok sa Iceland.

Nag-iisa kasi ito sa mga bansa sa mundo na walang matatagpuang lamok gayong ang mga kalapit nitong mga bansa katulad ng Greenland at Norway ay pinamamahayan ng mapaminsalang insekto.

Ang maari raw dahilan ng kawalan ng lamok sa Iceland ayon sa haka-haka ng ilang scientist ay ang klima sa bansa na madalas ay napakalamig.

Mas madalas kasing magyelo ang temperatura sa Iceland kaysa sa mga kalapit nitong mga bansa kaya hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang mga lamok na mangitlog.

May mga naghihinala rin na baka kaya hindi makatagal ang lamok sa nasabing bansa ay dahil sa kakaibang chemical composition ng lupa at tubig sa Iceland.

Gayunpaman, hindi pa rin malayong magkaroon na ng lamok sa Iceland sa hinaharap dahil sa climate change. Nasa 200 na insekto na ang natutong manirahan sa Iceland dahil sa pag-init ng panahon at kung tataas pa ang temperatura ay maaring sumunod na rin ang mga lamok.

Ngunit sa ngayon isang lamok lang ang matatagpuan sa Iceland at matatagpuan ito sa Icelandic Institute of Natural History. Naka-preserba ang insekto sa isang maliit na bote ng alcohol simula pa noong 1980s kung kailan nahuli ito ng isang scientist sa loob ng eroplano.

vuukle comment

ICELAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with