Bayang naghihirap

Pero bakit kaya magpahanggang ngayon

bansang naghihirap hindi makaahon,

ang sanhi marahil ating matuturol

ay nasa mga taong wari’y isip-mamon!

 

Marami sa ating mga kababayan

walang iniisip kundi karangyaan;

sa malaki’t munti na mga tahanan

si Asyong Aksaya ang laging karamay!

 

Kaya patuloy pang tayo ay hikahos

pagka’t mamamaya’y waring nakagapos

sa buhay na dukha at buhay na kapos

ayaw umasenso’t sa dangal ay takot!

Show comments