Pagkaraan ng 350 taon…

SI Galileo Galilei na nabuhay noong 1564 hanggang 1642 ay lumikha ng kontrobersiya at gulo nang sabihin niyang ang Sun ang nasa gitna ng universe at hindi ang Earth.

Simula nang unang panahon, ang alam ng mga tao ay Earth ang nasa sentro ng universe kaya iyon ang nakatanim sa kanilang isipan kabilang na ang Simbahang Katoliko.

Nang ipahayag ni Galileo ang kanyang natuklasang teorya tungkol sa universe, ito ay hindi pinaniwalaan ng church authorities. Para sa kanila, ang Earth ang nasa sentro ng universe at hindi ang Sun.

Ipinaaresto nila si Galileo at pinilit pinaamin sa harap ng publiko na mali ang kanyang binuong theory. Kinasuhan siya ng heresy o pagpapakalat ng maling pananampalataya sa ilalim ng tinatawag na papal trial kung saan kasali ang papa sa pagdinig ng kaso. Napatunayang nagkasala siya at ipina-house arrest hanggang sa bawian siya ng buhay.

Noong 1992, 350 years later, nirebyu ng Simbahang Katoliko ang kanilang naging desisyon tungkol sa kaso ni Galileo. Inamin nila na nagkamali ang theological advisers sa paghusga tungkol sa universe. Pero idiniin nila na walang ginawang pagkakasala ang Simbahan. Nagpahayag din ang Simbahan na opisyal na nilang pinatawad si Galileo. Huh?

Napansin ninyo, may mali sa “pagpapatawaran”? Di ba’t Simbahang Katoliko ang dapat humingi ng tawad kay Galileo o sa pamilya nito dahil after all, napatunayan nilang tama ang theory ni Galileo at ‘yung theory nila ang mali. Di ba’t kinakatawan ng theological advisers ng mga panahong iyon ay ang Simbahang Katoliko? Kaya kung nagkamali ang advisers, automatic na nagkamali ang Simbahan sa pag-aresto at pagpapahiya kay Galileo.

Show comments