^

Punto Mo

‘Kelan tama ang tama na?’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

SA sobrang gigil dahil nakita na niyang nahilo na ‘to si  Juan Manuel Marquez naging pabaya na siya at bastang lumusob na lang at ang sumalubong sa kanya ay POW!

Ang sumunod dun ay estrella mula sa langit daig ang mga alahas na suot ni Jinkee Pacquiao at natameme si Mommy D at nagsayaw na lang ng lambada.

Nung siya’y nanunuyo para sa mga boto ng tao sinabi na niya na kapag siya’y nanalong Senador hindi na siya magboboksing pang muli. Yan ang gusto ko sa mga politiko may isang salita. Ibahin mo si Manny. O kita mo lalabang muli.

Anong nangyari sa pangako? Hindi niya na naalala yun. Subalit sinong Pinoy na ayaw makita ang kanilang Pambansang Kamao ay nasa taas ng kwadradong lona nakikipagtagisan ng lakas at talino sa estratehiya kung paano pababagsakin at tatalunin ang kalaban ni Senador Manny ‘Pacman’ Pacquiao.

Maliban sa kagustuhan ni Pacman na kalabaning muli si Marquez ayon sa kanyang promoter na si Bob Arum na marami na siyang natatanggap na alok mula sa Russia, Australia, US at UK.

Ilan sa mga pangalang lumabas na posibleng makakalaban ni Pacman ay si British IBF welterweight champion Kell Brook, Russian fighter Dmitry Mikhaylenko at ang pinag-uusapang laban nila ni Jeff Horn ngayong darating na Abril 2017.

Sa rami ng gustong kumalaban kay Pacman hindi lahat pwede niyang tanggapin o pagbigyan.

Sa training pa lang kailangan maglaan ka ng apat hanggang anim na buwan para makapaghandang mabuti sa magiging laban mo.

Kumbaga sa isang taon dalawang laban lang ang pwede mong tanggapin.

Kung si Marquez ulit ang makakalaban niya magiging maganda ito dahil walang mangyaya-ring takbuhan kundi talagang sukatan ng lakas at abilidad.

Sa ganang akin ang basa ko kay Pacman hindi titigil yan hanggat hindi matatalo.

 

               

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

                Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

KELAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with