Pamilya sa Mississippi, iisa ang birthday

SIGURADONG hindi magkakalimutan ng kaarawan ang isang pamilya sa Mississippi.

Naging magkaka-birthday kasi ang tatlong miyembro ng pamilya Gardner matapos na ipanganak ang panganay ng mag-asawang Luke at Hillary Gardner na si Cade Lee noong Disyembre 18.

Pareho rin kasing ipinanganak sa nasabing petsa ang mag-asawa.

Hindi raw nila talaga sinadya na magkaroon ng sanggol na ipinanganak din sa petsa ng kanilang mga kaarawan.

Naisip na lang daw nila ang posibilidad na magiging ka-birthday nila ang kanilang magiging anak noong ipinagbubuntis na ni Hillary si Cade Lee.

Tantiya ng kanilang doktor na Disyembre 19 pa ma-nganganak si Hillary ngunit noong maglakad-lakad ang mag-asawa noong Disyembre 18 ay nakaramdam na si Hillary na lalabas na ang bata.

At ipinanganak nga si Cade Lee Gardner noong Disyembre 18 sa ganap na 10:01 a.m. o eksaktong 27 taon matapos ipanganak ang kanyang mga magulang noong Disyembre 18, 1989.

Napaka-pambihira na ang lahat ng miyembro ng isang pamil­ya ay may iisang kaarawan.

Tinataya ng isang mathe-matician na 1 sa bawat 133,000 beses lamang ito nangyayari, na higit na mas madalang pa sa tsansa na tamaan ng kidlat ang isang tao na nangyayari ng 1 sa bawat 12,000 beses.

Show comments