^

Punto Mo

‘Pak! Pak! Pak!’ (Made in China)

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

CHINA na ang nag-alok ng armas sa Pilipinas nang umatras ang Amerika dahil sa isyu ng ‘extra judicial killings’.

Nandiyan na sa harapan mo tatanggihan mo pa ba? Ganito ang mga tanong na ibabato ng ilan sa ating Pangulong Rodrigo Duterte kung sakaling hindi niya tinanggap ang ibinibigay ng China.

Nang batikusin ng Amerika ang kampanya ng kasalukuyang administrasyon laban sa droga ay hindi na maganda ang mga lumalabas sa balita tungkol sa dalawang lider.

Nahugasan naman ang haka-haka ng ilan na hindi na magi-ging relasyon ng dalawang bansa nang umupo at manalo bilang Presidente ng Amerika si Donald Trump at batiin ito ni Pangulong Duterte.

Mula nang mapurnada ang pagbili natin sa Amerika umugong ang balita na sa Russia tayo lalapit para sa mga armas.

Nang magkaroon ng isyu sa teritoryo ay nadungisan ang relasyon ng Pilipinas at ng China. Nang maupo si Pangulong Duterte ay nakipag-usap siya sa China at nakabalik ang ating mga mangingisda sa Panatag Shoal.

Ilang linggo ang nakalipas si Pangulong Duterte na mismo ang nagsabing tatanggapin niya ang armas mula sa China.

Apurado daw ang China na ibigay ito sa atin ayon pa sa Pangulo kaya naman inutusan niya si Defense Secretary Delfin Lorenzana upang kunin ang mga ito doon.

Hindi daw libre ito at babayaran ng Pilipinas sa loob ng 25 taon.

Binabalak pa din daw ng military na bumili ng sniper rifles sa Russia at pag-aaralan nila ang mga ito at titingnan kung ilang piraso ang kakailanganin nila.

Susubukan naman ng ating militar ang mga armas. Sana tuluy-tuloy na ang magandang relasyon natin sa China.

Yan bang mga baril na kukunin sa China may kasama na bang baterya? Wak ngalit joke lang!

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with