^

Punto Mo

Bato, h’wag mong kaladkarin ang PNP sa iyong political ambition!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

NAGING paksa sa umpukan kahit saang sulok ng bansa si PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato dela Rosa dahil sa kaso ni CIDG Reg. 8 chief Senior Supt. Marvin Marcos. ‘Ika nga sa reporters’ linggo, na-“chop-chop” ni Bato ang isyu kay Marcos kaya halos isang linggo rin siyang pinag-usapan. Matapos ang pa-cry-cry in Bato sa Senado, nagpalabas siya ng akusasyon na si Marcos ay matagal nang sangkot sa droga. Kasunod noon ay ang isyu na sinibak niya ito sa puwesto dahil sa droga subalit pinabalik bilang CIDG Reg. 8 chief dahil sa tawag ng kumpare niya. Matapos ‘yun, sumagot si President Digong na siya ang tumawag kay Bato para i-reinstate si Marcos dahil may pinaimbestigahan siya sa huli. Iginiit pa ni Digong na itutuloy ang mga kaso ni Marcos at idinugtong pa na “Let him maintain the right to be heard.” Hehehe! Kung ang election ay gagawin sa ngayon, tiyak makakapuwesto si Bato sa Senado dahil sa bukambibig siya sa kasalukuyan ng sambayanan, di ba mga kosa? Boom Panes!

Kung si Marcos ay ibinalik sa puwesto kahit abot langit ang akusasyon ni Eastern Visayas drug lord Kerwin Espinosa na tumanggap siya ng P1.5 milyon para sa kandidatura ng kanyang asawa, paano naman ang “right to be heard” ng aabot sa 4,000 drug pushers at adik na namatay sa Operation Tokhang? Diretso na sila sa libingan at wala silang karapatan sa tinatawag ni Digong na “right to be heard?” Araykupoo! Kaya tumpak lang ang binitiwang salita ni Sen. Ping Lacson na walang change sa liderato ni Digong dahil namamayani pa rin ang tinatawag na palakasan system. Ang buong akala naman ni Lacson ay matigas si Bato, subalit sa nangyayari sa ngayon ay ampaw pala s’ya, anang senador. Dahil sa pag-amin ni Digong na siya ang nagpabalik sa puwesto, ipinanawagan naman ni Sen. Leila de Lima na imbestigahan ito ng Senado. Lumalabas, ani De Lima, na si Digong ang protector ng mga drug lord protector. Si De Lima kasi mga kosa ang nagbulgar na ang tumawag kay Bato para i-reinstate si Marcos ay si Bong Go, ang special assistant ni Digong, bago ito inamin ni President Duterte. Kaya hindi pa tapos ang isyu ni Marcos at siyempre mga kosa, pirming nakakabit sa isyu si Bato na nagmamadali na magka-election! Boom Panes! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Kung sabagay, ang pagtakbo ni Bato sa Senado pagkatapos ng termino niya ay open-secret na sa Camp Crame. Marami akong nakausap na nagsasabing mananalo si Bato kapag nag-ambisyon siya na maging senador. Get’s n’yo mga kosa? Kaya lang ang panalangin ng mga kosa ko sa Camp Crame, sana h’wag gamitin ni Bato ang PNP para mag-take off ang kandidatura niya sa pagka-senador. Kasi nga nag-ingay si Bato na may sindikato ng droga sa loob ng PNP kaya naging suspects na ang mga opisyales ng police organization na hindi nagustuhan ng kani-kanilang mga asawa, pamilya at kamag-anak. Kaya sa nalalapit na reshuffle ng PNP, ang mga matatanggal sa puwesto ay suspetsado nang sangkot sa drug syndicate sa loob ng PNP, di ba mga kosa. Boom Panes! Hehehe! Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Dahil sa napipintong pagtakbo ni Bato sa Senado, lumutang din ang isyu na kaya’t hindi niya maaksiyunan ang tong collection ng PMA Class ’86 sa pasugalan dahil nagkakalap na siya ng pondo, di ba Air Force Col. Jojo Caringal Sir? Kaya kahit abot langit ang pagbubulgar na ang nasa likod ng tong collection ng PMA Class ’86 sa pasugalan ay sina Chief Supt. Ely Rasco at alyas Baby M. ang dating bagman ni ret. Gen. Marcelo Garbo, ang isa sa limang police officials na isinangkot ni Digong sa Droga, hindi maitaas ni Bato ang kanyang kamay na bakal, hehehe! Snub lang ni Bato ang tong collection ng mga mistah niya dahil mawawalan s’ya ng pondo sa 2019 election, ganun ba yun mga kosa? Boom Panes! Hehehe! Habang nag-iingay si Bato, naitago niya ang katotohanang wala siyang road map para sa PNP kundi puro patayan lang, di ba mga kosa? Basta h’wag lang kaladkarin ni Bato ang PNP sa political ambition niya may panalo siya sa pagka-senador sa 2019 election! Abangan!

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with