(Part 2)
- Lagyan ng baking soda at suka ang tubig na paglalagaan ng itlog upang mabilis itong mabalatan.
- I-freeze muna ng 30 minutes ang cheese bago gadgarin.
- Bago maggayat ng sibuyas, magsubo ng tinapay. Ang size ay ‘yung kasya sa iyong bibig. Ang kalahati ay nakalabas sa bibig. Hayaang nasa ganoong ayos ang tinapay sa bibig mo, habang naggagayat ka ng sibuyas. Ang gas na lumalabas sa sibuyas na nakakairita sa mata ay sisipsipin ng tinapay bago ito makarating sa iyong mata.
- Minsan, may ingredients na hindi ganoon kabilis hanapin sa tindahan, kagaya ng buttermilk. Ang tanging magagawa lang ay gumawa sa bahay. Paano gumawa ng buttermilk sang kutsaritang suka + isang tasang evaporated milk. Batihin para mahalong mabuti.
- Para ligtas sa “cross contamination”, sikaping bumili ng dalawang sangkalan. Ang isa ay para sa karne at ang isa ay para sa gulay, prutas, tinapay. Ang ipanghugas ng sangkalan ay sukang may dishwashing liquid.
Image source: dreamstime.com