Ginagamit ang mga sanggol sa pagpapalimos

Marami akong nakikitang nagpapalimos sa kalye na may dala o kargang sanggol at kumakatok sa mga bintana ng kotse. Marami akong nakita sa may kanto ng C3 Road at A. Bonifacio St. sa Quezon City. Bigla silang sumasalubong sa mga rumaragasang sasakyan.

Marami ring nagpapalimos na may dalang sanggol sa Laon-Laan St. kanto ng Forbes St. Kahit gabing-gabi na ay karga pa rin ang sanggol at ginagamit para limusan.

May mga nagpapalimos din sa Dimasalang kanto ng Maceda St. At lalo pa silang dumadami habang papalapit ang Pasko.

Ano ang ginagawa ng DSWD sa mga nagpapalimos na ito? Bakit hindi hulihin ang mga ito? Kikilos lang ba ang DSWD kapag may nasagasaan na?

Salamat po. —NELISSA AREVALO, Pag-asa, Quezon City

Show comments