^

Punto Mo

Carabao Man (174)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PARANG mga bata na nag­habulan sa kaparangan sina JP at Maricel. Mabilis tumakbo si Maricel pero inabutan pa rin siya ni JP.

‘‘Huli ka! Lagot ka sa akin ngayon!’’

Hinawakan ni JP sa bay­wang ang asawa at saka binuhat. Inikut-ikot ito. Tawa nang tawa si Maricel.

“Ayyy! JP! JP! Ibaba mo ako.’’

Ibinaba ni JP ang asawa sa damuhan. Malambot na malambot ang mga damo. Masinsin na masinsin ang pagkakatubo. Doon pinapastol ang mga alagang kalabaw.

Nahiga sila sa damuhan. Malamig pa ang sikat ng araw. Mag-aalas-siyete pa lamang ng umaga. May mga hamog pa ang damo.

‘‘Parang ayaw ko nang matapos ang masayang araw na ito, JP. Napakaligaya ko.’’

“Ako rin Maricel. Sa buong buhay ko, ngayon lamang ako nakaranas ng ganitong kaligayahan.’’

‘‘Gusto ko lagi tayong magkasama. Kung nasaan ka, gusto ko naroon din ako. Ayaw kong mawawalay sa’yo kahit na isang sandali.’’

“Ako man, gusto ko lagi kitang nakikita, Maricel.’’

“Kaya nga ang gagawin ko, dito na ako magsusulat ng mga iskrip at paminsan-minsan na lang ako pupunta sa Maynila – sa opisina ng Dayami Films.’’

“Paano ang pagdidirek mo?’’

“Isasama kita. Ikaw ang alalay ko.’’

“Ayaw mo akong pag-artistahin uli?’’

“Ayaw ko. Masalimuot ang buhay-artista. Naranasan mo na yun di ba?’’

Hinalikan ni JP ang asawa.

“Talaga namang ayaw ko nang mag-artista. Sinusubukan lang kita kung ano ang reaksiyon mo.’’

“Gusto ko, ako lang ang ka-loveteam mo habang buhay.’’

Hinalikan muli ni JP ang asawa sa labi.

‘‘Talagang mahal na mahal mo ako?’’ tanong ni JP.

“Oo naman. Ikaw lang talaga ang kauna-unahan at kahuli-hulihang lalaki na mamahalin ko. Imagine, nasa high school pa tayo, patay na patay na ako sa’yo at wala kang nakapalit kahit sandali. Ganyan ang puso ko kung magmahal.’’

Niyakap nang mahigpit ni JP ang asawa.

“Gusto mo maligo tayo sa falls, tamang-tama masarap maligo dahil pinawisan tayo” sabi ni JP.

“Wala tayong dalang pampaligo.’’

“E ano naman?’’

“Maghuhubad tayo?’’

‘‘Siyempre naman. Meron bang naligo na may damit?’’

“Nakakahiya, JP. Baka may makakita sa atin.’’

“Sinong makakakita e akin itong lupang ito. Walang ibang nakakapasokl dito.’’

“Walang mga trabahador o yung mga gumagawa sa bukid at sa mga taniman ng prutas.’’

“Wala. Sinabi ko huwag muna silang pumasok dahil dito tayo magha-honeymoon. Solong-solo natin ang lugar na ito, Mahal ko. Parang tayong sina Adan at Eba sa paraiso.’’

Kinurot ni Maricel si JP sa tagiliran. Napaiktad si JP.

‘‘Halika na sa falls. Ang sarap sigurong magbabad sa tubig.’’

‘‘Nahihiya akong maghubad, JP.’’

‘‘Ngayon ka pa ba mahihiya. Halika na.’’

Tinungo nila ang water falls.

(Tatapusin na bukas)

CARABAO MAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with