5 leksyon na natutuhan ko mula sa mga pangyayari sa showbiz
1. Kung nagtatagumpay ka sa kasalukuyan, iwasang magyabang at mangantiyaw sa natalo mong kalaban. Nakahandusay na nga ang kalaban, patuloy mo pang binubuntal. Kahit saang larangan ng buhay, applicable pa rin ang kasabihang: Ang buhay ay parang gulong na patuloy na umiikot—ang nasa ibabaw, mapapapunta rin sa ilalim. Ang nangangantiyaw noon, tameme na ngayon, dahil sila naman ang talo sa rating.
2. Huwag kagatin ang kamay na nagpakain sa iyo noong patay gutom ka pa lang. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, laging single number ang rating ng palabas.
3. Iwasang magpahabol dahil hindi mo alam, hindi ka na pala kahabol-habol. In fact, ang mga taong iniwan mo ay nakahinga na nang maluwag at nagpa-party na ngayon dahil wala ka na.
4. Kapag lilisanin mo ang isang bahay, be sure na hindi mo susunugin ang tulay na tinawiran mo patungo sa lilipatang ibang bahay. Malay mo subukan ka ng tadhana at kailangan mong magbalik-bahay. Kung nanatiling buo ang tulay, may tatawiran ka pa pabalik dito.
5. Mag-ipon ng kaibigan, hindi ng kaaway. Kung wala kang kaaway, walang mananalangin ng negative sa iyo. ‘Yan pa namang negative thoughts, ang bilis magkatotoo.
- Latest