Huwag namang kalimutan si Uncle Sam

Nangangamba po ako sa mga sinasabi ni Pres. Duterte ukol sa United States na parang walang nagawa o naitulong sa atin ang bansang ito. Sana naman ay huwag basta-bastang itakwil ni President Duterte ang US na matagal na nating kaibigan at madalas tumulong sa oras ng pangangailangan gaya ng nangyari noong manalasa ang bagyong Yolanda.

Lagi pong ang China ang kanyang sinasabi na kanyang lalapitan. Nangangamba ako na baka nabubulagan ang Presidente sa kanyang pabigla-biglang kilos. Huwag naman sana.

Huwag namang basta itapon ang bansang malaki na ang nagawa para sa atin. Maaari namang makipagkaibigan sa iba pero huwag itapon ang dati na.

Maraming salamat.

--CORA A. DEL REY, Cubao, Quezon City

Show comments